Sunog sa public market
Sunog sa public market

CENTRAL MINDANAO – Tinupok ng apoy ang 27 kabahayan at mga tindahan sa Public Market ng Datu Piang, Maguindanao.

Ito ang kinumpirma ni Datu Piang Fire Marshall Inspector Mocsin Ali Jr. kung saan aabot sa 63 mga pamilya ang naapektuhan sa sunog.

Mabilis na nagresponde ang mga pamatay sunog ngunit sa laki ng apoy at gawa sa kahoy o light materials ang ilan sa mga bahay at tindahan kaya hindi na ito naagapan.

Nagpapasalamat naman si Ali sa mga tauhan ng BFP Midsayap, North Cotabato at Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao na tumulong para maapula ang sunog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng BFP-Datu Piang sa dahilang ng sunog at wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.