-- Advertisements --

Iginiit ng National Privacy Commission na mas matimbang ang isyu ng public concern at interest sa usapin ng pagkamatay ng siyam na high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni National Privacy Commissioner Raymond Liboro,, may sapat na justification ang pangingibabaw sa public interest sa kasong ito.

Ayon kay Liboro, ibig sabihin, ang Data Privacy Act ay hindi nagbabawal ng pagpapalabas ng mga impormasyon kaugnay sa tunay na sirkumstansya ng pagkamatay ng mga high profile inmates.

Inihayag ni Liboro na kailangang ikonsidera rito ay kung sino sino ang mga recipient o mga taong dapat tumanggap ng impormasyon, gaya ng pamilya ng mga inmates, pamilya ng kanilang mga biktima at ang publiko.

Idinagdag pa ni Liboro na hindi lamang Data Privacy Act ang dapat gamitin sa sitwasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil may iba pang mga batas na applicable dito tulad ng mandatory reporting na nakapaloob sa Republic Act 1132, Data Privacy of 2012 at ang Executive Order 2 para sa Freedom of Information na inilabas ng MalacaƱang.