-- Advertisements --

Tahasang kinuwestyon ni Sen. Panfilo Lacson ang kapansin-pansin daw na P2 billion allocated budget ng Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy (PADS) para sa 2021 national budget.

Sinabi ng senador na palaging binibigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang isinusulong na laban kontra sa iligal na droga ngunit mas mababa pa raw sa 1 percent ang budget na ilalaan dito ng PADS.

Hindi raw kasi kapani-paniwala na ganito lang kababa ang halaga ng pondo sa ilalim ng PADS lalo pa at kasama na rito ang hakbang ng iba’t ibang ahensya para labanan ang naglilipanang bentahan at paggamit ng droga sa bansa.

“It’s easy to say ‘I hate drugs,’ but if you don’t provide it with a budget, how would you defeat the drug problem?” saad ng senador.

Dinagdagan pa ni Lacson ang kaniyang tila pang-iinsulto sa naturang isyu dahil hindi raw sinama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa budget ng PADS, na siya namang nangunguna sa anti-drug war campaign.