Tiniyak ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na magiging matindi ang exhibition game nila laban sa bansang Jordan bago ang pagsabak nila sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Saudi Arabia.
Ayon kay Cone, na ang laro nila ngayong Agosto 2 ay siyang huli na bago ang pagsisimula ng FIBA Asia Cup sa Agosto 5.
Huling nakaharap nila ang Jordan ay noong gold medal match ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China kung saan nagwagi ang Pilipinas 70-60.
Sasamantalahin ng Gilas Pilipinas ang hindi paglalaro ng dating NBA player at PBA import na si Rondae Hollis-Jefferson.
Bagamat nakalista si Hollis -Jefferson sa final 12 ng Jordan ay hindi ito kasali sa kanlang exhibition game.
Nakahanay ang Jordan sa Group C kasama ang China, India at Saudi Arabia habang ang Gilas Pilipinas ay nasa Group D kasama ang New Zealand, Chinese Taipei at Iraq.