-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro si Justin Brownlee sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa Southeast Asian Games (SEA Games) sa buwan ng Disyembre sa Thailand.

Kasunod ito sa pagbabawal ng organizer sa mga naturalized player na maglaro.

Habang si Ange Kouame ay papayagang maglaro sa 3×3 basketball na puwedeng sumabak ang mga naturalized players.

Dahil dito ay inaasahang maipapalit na maglalaro si Jamie Malonzo isa rin sa nakikitang sasabak sa first window ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers laban sa Guam.

Magugunitang magiging coach ng Gilas Pilipinas sa SEA Games si Norman Black kung saan ilan sa mga manlalaro ay sina Ray Parks, Thirdy Ravena, Remy Martin, Matthew Wright, Jason Brickman, Dave Ildefonso, Brandon Ganuelas-Rosser, Mike Phillips, Kymani Ladi, at Veejay Pre.