-- Advertisements --

Binibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng tubig , isang yaman na araw-araw ginagamit ngunit madalas nakakaligtaan.

Pahayag ito ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng Tunnel No. 5 ng Angat Water Transmission Improvement Project sa Bulacan.

Ayon sa Pangulo, magdudulot ito ng mas maaasahang suplay ng tubig sa mga tahanan, magbibigay ng backup para maisaayos at ma-rehabilitate ang mga lumang tunnel, at magpapatatag sa sistema laban sa tagtuyot at epekto ng climate change.

Ang bagong tunnel ay nagpapatibay sa dekadang gulang na Umiray–Angat–Ipo–La Mesa system, na nagdadala ng halos 90% ng suplay ng tubig para sa humigit-kumulang 20 milyong residente ng Metro Manila, Bulacan, at bahagi ng Cavite at Rizal. 

Sinabi ng Pangulo Kayang maglipat ng higit 1.6 bilyong litro ng tubig araw-araw ang Tunnel No. 5, na nagtataas ng kabuuang kapasidad ng sistema mula 6 bilyon tungo sa halos P8 bilyong litro kada araw.