-- Advertisements --
Patay ang 11 katao matapos na banggain ng 10-wheeler truck ang isang UV express sa Camalig, Albay.
Base sa inisyal na imbestigasyon na mabilis ang pagpapatakbo ng trak sa Barangay Libod nitong umaga ng Miyerkules.
Pagdating sa kurbadang bahagi ng daan ay bigla itong tumama sa van na may kargang 11 pasahero.
Dahil sa lakas ng pagtama ay nahulog sa malalim na bahagi ng kalsada sa lugar.
Patungo sa bayan ng Guinobatan ang truck kung saan sinasabing nawalan ng preno nito.
Nahirapan naman ang mga rescuers na ilabas ang mga sakay ng van dahil sa labis na pinsala.
Dinala naman sa pagamutan ang driver ng trak at tatlong pasahero ng van matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng sasakyan.
















