-- Advertisements --

Itinuturing ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na isang crucial ang laban nila sa Guam sa pagsisimula ng first window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Bagamat mas mataas ang ranking ng Pilipinas na nasa ranked 37 kaysa sa Guam na nasa ranked 81 ay hindi nila babalewalahin ang nasabing koponan.

Itinuturing kasi ni Cone na ang mga panalo nila ay siyang susi para makapasok sila sa 2028 Los Angeles Olympics.

Magugunitang kasama ng Gilas ang Guam, New Zealand at Australia kung saan sa araw ng Biyernes makakaharap nila ang Guam.