-- Advertisements --
Pumanaw si dating NBA player Rodney Rogers sa edad na 54.
Kinumpirma ito ng kaniyang asawang si Faye subalit hindi na binanggit ang sanhi ng kamatayan.
Noong 2008 ay nag-paralyzed na ang kaniyang balikat matapos ang aksidente sa ATV.
Naging sikat si Rogers sa Wake Forest University na tinanghal bilang Rookie of the Year sa taong 1990-1991.
Umabot ng 12 seasons ito naglaro sa NBA sa mga koponan ng Denver Nuggets, Los Angeles Clippers, Phoenix Suns, Boston Celtics, New Jersey Nets, New Orleans Hornets at Philadelphia Sixers.
Naging Sixth Man of The Year sya noong 1999-2000 sa Suns at nagretiro sa basketball noong 2005.
















