-- Advertisements --

Nag-alok ang Department of Justice (DOJ) ng P1-milyon na pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Cassandra Li Ong.

Nahaharap kasi si Ong sa kasong human trafficking dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na aktibidad ng Philippine offshore gaming operator (POGO).

Ayon kay DOJ Acting Secretary Fredderick Vida ang reward ay para mapabilis na pag-aresto kay Ong.

Hindi rin nito itinanggi na mayroong kakayahan si Ong na lumabas at pumasok sa bansa.

Ang nasabing anunsiyo ni Vida ay kasunod ng paglabas ng Pasig City Regional Trial Court ng kanselasyon ng kaniyang pasaporte kasama ang iba pa.