-- Advertisements --

Umakyat na sa 34 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa magkakasunod na bagyo at tuloy-tuloy na pag-iral ng hanging habagat sa malaking bahagi ng bansa, batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa konseho, 18 katao rin ang napaulat na nasugatan, pito sa kanila ay patuloy na isinasailalim sa validation.

Umabot na rin sa 7 ang natukoy na missing, apat dito ay patuloy na isinasailalim sa verification.

Ayon pa sa NDRRMC, nagdulot ng mga serye ng landslide at pagbaha ang mga naturang kalamidad. Kabuuang 526 na lugar ang kumpirmadong binaha habang 30 landslide incident kumpirmadong nangyari sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa imprastraktura, mahigit 580 road section at 35 tulay ang natukoy na apektado.

Umabot na rin sa 15,220 kabahayan ang nasira mula sa 16 na rehiyon sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, 193 syudad at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity.

Ayon sa NDRRMC, ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao, ang mga pinaka-apektadong rehiyon dahil sa magkakasunod na kalamidad.