CEBU CITY- Posible umanong sinamantala ng ibang mga indibidwal ang malawak na kilos protesta sa Estados Unidos bunsod ng pagkamatay ni George Floyd na itinuturing ng karamihan na isang murder at police brutality

Ito ang sinabi ng Bombo international correspondent na si Baltazar Quinain na nakabase ngayon sa Orlando Florida nang makapanayam ng Bombo Radyo Cebu.

Ito’y matapos na naranasan na umano ng mga malalaking siyudad ang looting at pagsunog ng mga establisamento.

Nabatid nagproprotesta na rin ang karamihan sa Orlando Florida para ipakita ang kanilang simpatya sa nangyari kay Floyd na sinsabing biktima ng racial discrimination ang black American.

Ayon kay Quinain na meron umanong mga illegitimate groups na nakikisali at nakikigulo lang kahit paman malinis umano ang hangarin ng mga protesters

Una nang tinumbok ni President Donald Trump ang grupong “Antifa” na siyang sinasabing nangunguna sa gulo kagubot.

Dagdag pa ni Quinanin na nakikisimpatya rin umano ang mga Pilipino sa nangyari kay Floyd kahit paman hindi umano ito “vocal” sa isyu ng pulitika sa Estados Unidos.