Pasado na sa House Committee on Overseas Workers Affairs ang isang panukalang batas na layong magtayo ng Balikbayani Center bilang one-stop shop para sa mga OFW at kanilang pamilya.
Partikular na rito ang House Bill 50 na inihain ni Rep. Adrian Salceda.
Batay sa paliwanag ng mambabatas, layon ng panukalang batas na ito na isulong at protektahan ang dignidad ng mga OFW sa pamamagitan ng pagbiigay ng angkop na serbisyo sa kanila.
Sakaling maging batay, itatayo ang mga Balikbayani Centers sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa maging sa mga paliparan katulad ng NAIA, Mactan-Cebu, at Davao International Airport.
Sa one-stop shop na ito , maaari nang ma avail ang mga serbisyo ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno tulad ng OWWA, DMW, DSWD, DOLE, TESDA, DTI, at DOH .
May mandato itong magbigay ng ayuda at kaukulang training maging mga serbisyong medikal at psychosocial.
















