-- Advertisements --

Inaasahan ng House of Representatives at Senado ang proklamasyon ng bagong pangulo at bise presidente sa Mayo 27 o Mayo 28.

Ibinahagi ito ni House Speaker Lord Allan Velasco at Senate President Vicente Sotto III sa isang press briefing sa Kamara na agarang ginanap kaagad pagkatapos ng initialization ng Consolidation and Canvassing System (CCS) machine na mag-canvass ng Certificates of Canvass (COCs) mula sa mga lalawigan, lungsod at ibayong dagat.

Sinabi ni Speaker Velasco na tiniyak nito na matatapos ang lahat sa buwan ng Hunyo.

Aniya, maaaring tatagal sa lima hanggang pitong araw ang canvassing.

Sinabi naman ni Senate President Sotto na sisimulan nila ang canvassing sa Mayo 24 ng umaga lalo pa’t magsisimula ang House at Senate session sa Mayo 23.

Aniya, ito na rin ang panahon na pangangalanan na ang pitong representatives sa National Board of Canvassers (NBOC).

Ang mga miyembro ng Congressional Canvass Committee na gumaganap bilang National Board of Canvassers (NBOC) ay pangungunahan nina Speaker Velasco at Senate President Sotto.