Arestado ng Bureau of Immigration ang isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagpapanggap nito bilang Pilipino.
Ayon sa ibinahaging impormasyon ni Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang naaresto na si Chen Zhong Zhen, 60-taon gulang.
Mula bansang Hongkong, pagkadating ni Zhen sa Pilipinas ay naharang siya ng mga tauhan ng immigration.
Ang naarestong Chinese ay ‘subject’ sa mission at imbestigasyon ng kawanihan matapos makatanggap ng impormasyon mula sa intel hinggil sa umano’y illegal nitong mga nakuhang dokumento.
Natuklasan sa kanya ang paggamit ng Philippine passport inisyu noong 2021 pati ang iba pang hawak na Philipine Identity cards nagpapakita na siya’y isang Pilipino.
Ngunit ibinahagi ni Immigration Commissioner Viado na nakumpirma g kanilang Alien Registration Division na ang mga ‘fingerprints’ nito ay tugma sa isang Chinese citizen.
Ang naturang suspek ang sinasabi ring may-ari ng mga negosyo sa bansa at napasok pa ang ilang iba’t ibang economic at business groups.
Nahaharap ngayon ang naaresto sa deportasyon dahil sa ‘misrepresentation’ at nanatili munang nasa holding facility ng kawanihan sa Taguig City.