Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa bukas, Agosto 26 (Martes) dahil sa nararanasang sama ng panahon.
Sakop ng suspensyon ang Metro Manila at mga lalawigan ng Aurora, Quezon, Rizal, Laguna, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas, Cavite, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte.
Ayon kasi sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sanhi ito ng isang low-pressure area na nagdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms na tatagal hanggang sa Martes ng hapon.