-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nailigtas lahat ang 14 na crew na lulan sa cargo vessel na nakadaong sa pribadong pantalan ng Amadi MGT port sa bayan ng Lagonglong,Misamis Oriental.

Kasunod ito nang pagtagilid ng na MV Formost Trader dahil hinampas ng mga malalakas na alon at sinabayan ng mapuwersa na ihip ng hangin habang nasa bisinidad ng Amadi MGT port sa nasabing bahagi ng lalawigan kagabi.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Jun Dy na agad na responde ang mga kawani ng Lagonlong MDRRMO katuwang ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection sa ipinarating na ‘distress call’ ng mga crew dahil sa masungit na kalagayan ng panahon.

Kinompirma ni Dy na isang crew ang nasugatan dahil tumilapon epekto nang pagkaputol ng hinihila nila na kagamitan ng barko upang hindi tuluyan na matumba..

Bagamat hindi naman grabe ang tinamo na sugat ng triupulante habang ligtas na dinala sa malapit na hotel kasama ang 13 pa upang makapagpahinga.

Kargado ang barko ng produktong agrikultura na inabutan ng masungit na kalagayan ng panahon epekto sa Hanging Habagat na naranasan sa Mindanao na pinalakas pa ng Bagyong Isang.