-- Advertisements --

Aktibong makikilahok sa Salaknib Military exercises sa taong 2026 ang Japan Ground Self-Defense Force ayon sa Philippine Army.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ito ang unang pagkakataon na makikilahok ang bansang Japan sa taunang military exercises na ito kung saan tradisyunal na dinadaluhan ito ng mga sundalo at tropa mula sa Estados Unidos at sa Pilipnas.

Kaugnay nito ay nakatakda na ring maging epektibo ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng bans aat ng Japan sa darating na Setyembre 11.

Ayon pa kay Dema-ala, magiging maganda at malawak ang magiging pagsasanay lalo na sa mga larangan ng sustainment, intelligence, land component command at maging ang magiging partisipasyon ng Joint Pacific Multinational Center of the Philippines.

Inaasahan naman na lalo nitonng palalakasin ang interoperability ng dalawanag panig ng militar at titiyaking magiging handa na ang tropa ng Pilipinas sa mga pagtugon sa mga magiging bagong hamon sa seguridad ng bansa.

Samantala, wala pa namang pinal na bilang kung ilang tropa ang ipapadala sa naturang pagsasanay habang kinumpirma naman na lalahok din ang Autralian Forces sa Salaknib 2026.