-- Advertisements --

Nanawagan si Bacolod Lone District Rep. Albee Benitez sa Department of Justice (DOJ) na agad magbigay ng proteksyon sa mga empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na handang magsiwalat ng katiwalian sa mga flood control projects.

Ayon sa mambabatas, hindi dapat hintayin ng DOJ na kusa pang lumantad ang mga testigo kung seryoso itong tugisin ang mga opisyal na umabuso sa pondong nakalaan para sa flood control projects.

Giit pa niya na dapat aktibong maghanap ang DOJ ng mga posibleng whistleblower mula sa hanay ng mga opisyal at kawani ng DPWH, pati na rin ang iba pang may kaalaman sa diumano’y korupsyon.

Ang whistleblower program ay layuning tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga indibidwal na may impormasyon tungkol sa katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.