Nananatili umano ang procurement power ng PNP na bumili ng kanilang sariling gamit.
Ito ang paglilinaw ni PNP chief Lt. Gen.Archie Francisco Gamboa sa kanyang unang press conference matapos na italaga ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang opisyal na pinuno ng pambansang pulisya.
Magugunitang unang sinabi ng Pangulo na si DILG Secretary Eduardo Año na ang bahala sa procurement ng PNP matapos na makarating sa kanyang kaalaman ang tungkol sa umano’y “overpriced” speedguns na balak kunin ng PNP.
Pero una naring pinaliwanag ni Gamboa na nagkaroon lang ng “misunderstanding” tungkol sa naturang mga speedguns at hindi pa talagang nabibili ng PNP ang naturang kagamitan.
Nilinaw ni Gamboa na hindi naman tinanggal ang procurement power ng PNP.
Kailangan lang aniyang ipa-review kay Secretary Año ang mga procurement ng PNP para masiguro ang transparency.