Matagumpay na naaresto ng Bureau of Immigration ang isang pasahero na wanted sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Sa ibinahaging impormasyon ng kawanihan, naharang ang naturang suspek kasunod nang dumaan ito sa Advance Passenger Information System sa paliparan.
Na-flag anila si Yvette Panes habang lulan ng eroplano mula Bangkok, Thailand pabalik ng Maynila o Pilipinas.
Bago pa man makalapag ang eroplano, gamit ang Advance Passenger Information System ay nakapagbigay notisya na kagad ito sa Philippine National Police.
Kaya’t nang ito’y makadating sa NAIA, kadyat na sinilbihan ng mga pulis ang suspek ng ‘warrant of arrest’ sa pagiging sangkot nito sa kasong may kinalaman sa ‘Estafa’.
Ang kasalukuyan Immigration Commissioner naman na si Joel Anthony Viado ay ikinatuwa ang pagkakaroon ng ganitong ‘advanced’ na sistema gamit sa pagbabantay o border control ng bansa.