-- Advertisements --

Ibinunyag ng Bureau of Customs (BOC) na walo sa 12 mga luxury cars ng contractors na mag-asawang sina Sarah at Pacifico Discaya ay walang entry records sa bansa.

Binigyan rin ng BOC ang mag-asawa ng 10 araw para magpakita ng pruweba na nabayaran ng tama ang mga dues ng kanilang mga luxury cars.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na nais nilang matiyak ang kanilang mga inisyal na imbestigasyon na kayang panindigan sa korte.

Plano na rin ngayon ng BOC makakuha ng search warrants sa ibang mga luxury cars ng Discayas kung saan sinasabi ni Sarah na ito ay 28 sa kabuuan.

Subalit ibinunyag ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada na base sa record ng Land Transportation Office ay mayroong 40 high-end na sasakyan.