Inihayag ng Department of Justice na kanilang hindi isasantabi ang posibilidad ng pakikipagtulungan sa International Criminal Police Organization o Interpol hinggil sa isyu ng flood control projects.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, makikipagtulungan rin aniya sila sa naturang organisasyon sakaling umusad ang imbestigasyon sa pagsasampa na ng kaso.
Aniya’y kung makasuhan na ang mga opisyal, kontratista o mga indibidwal nasasangkot sa anomalya, sunod nito’y pag-iisyu ng Hold Departure Order o travel ban.
Ngunit kung nasa ibang bansa na aniya ang mga ito, dito na papasok ang kanilang koordinasyon katuwang ang International Criminal Police Organization.
Kanyang sinabi na dalawang notisya ang maari nilang ilabas, una’y blue notice at red notice kontra mga indibidwal na makakasuhan sa bansa.
Blue notice para bigyan sila ng impormasyon kung nasaan ang suspek, habang red notice naman para sa tuluyang pag-aresto sa mga ito.
Sa kasalukuyan, tanging Immigration Lookout Bulletin Order pa lamang ang inisyu ng kagawaran kontra mga indibidwal nasasangkot sa maanomalyang proyekto.
May kabuuan bilang ito na 43, kung saan nangunguna sa listahan ay ang mag-asawang Sarah at Pacifico Discaya.
Ang pamilya Discaya ay nahaharap rin sa isyu hinggil sa kanilang mga ari-arian partikular sa umano’y nasa 80 luxury cars nito.