-- Advertisements --
Isa ang isyu sa West Philippine Sea sa tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Czech Republic Prime Minister Petr Fiala.
Sinabi ng pangulo na kapwa nila binigyang halaga ang rule of law.
Sa ginawang bilateral meeting sinabi pa ng pangulo na naging makabuluhan ang pagpapalitan nila ng kaalaman ukol sa iba’t-ibang usapin.
Kapwa aniya nila isinusulong ang kapayapaan at demokrasya ganun din ang pagrespeto sa karapatang pantao.