Ilalatag ng House prosecution ang mga ebidensya kaugnay ng alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte, sa pagpapatuloy ng impeachment trial bukas, Lunes, September 14,2026.
Sina Bicol Saro Party-list Rep. Terry L. Ridon, ang co-leads sa Article II prosecution team at si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno.
Kabilang sa unang susuriin ang kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) at mga rekord ng mga kumpanyang iniuugnay sa kanya at sa kanyang asawang si Manases “Mans” Carpio.
Tatlong saksi ang nakatakdang iharap ng prosekusyon, kabilang ang isang retiradong Sandiganbayan justice at mga opisyal mula sa Office of the Ombudsman at Securities and Exchange Commission (SEC).
Mahigit 1,800 dokumento sa bangko, buwis at iba pang rekord pinansyal ang inihanda ng prosekusyon bilang bahagi ng ebidensya sa Article II ng impeachment case.
Layunin ng prosekusyon na suriin kung tugma ang mga ari-arian at transaksyong pinansyal ni Duterte sa kanyang idineklarang yaman at lehitimong pinagkukunan ng kita.
Na-impeach si Duterte ng House of Representatives noong Mayo 11 sa botong 257-25, bago ipinadala sa Senado ang Articles of Impeachment.
Nauna nang sinabi ni Ridon na ang mga rekord mula sa mga bangko at Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakuha ng prosekusyon ang “last important pillar” ng kanilang ebidensya sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte.















