Nagmatigas ang mga mag-aaral ng Columbia University sa New York na hindi umalis sa ginawa nilang mga tent bilang bahagi ng pro-Palestine protest.
Ito ay kasunod na binigyan sila ng deadline ng pangulo ng unibersidad na dapat lisanin ang campus ng dakong alas-2 ng madaling araw oras sa Pilipinas.
Base sa pagbabanta ng pamunuan ng unibersidad na kapag hindi sila umalis ay maaaring sila ay masuspendi.
Maraming mga protesters na rin ang inaresto matapos na makasagupan ng mga riot police.
Sa Virginia pa lamang ay mayroong 90 katao kabilang ang 54 mag-aaral ang inaresto sa Virginia Tech Graduate Life Center habang mayroong anim na katao ang kanilang naaresto sa University of Texas sa Austin.
Tikom naman ang bibig ng White House kung nararapat bang maparusahan ang mga campus protesters.