-- Advertisements --

Aminado ang Department of Justice sa limistasyon o kakayahan ng mga awtoridad sa pagsasagawa nito ng DNA testing sa mga narekober na labi mula sa Taal lake.

Ayon sa ibinahaging mensahe ng kasalukuyang tagapagsalita ng kagawaran na si Assistant Secretary Mico Clavano, kanyang inamin ang mga hamon na kinakaharap sa kapasidad ng pagsasagawa ng DNA-testing.

Ito’y kasunod ng ianunsyo ng Philippine National Police na bigo itong makahanap ng DNA profile sa mga butong narekober sa lawa ng taal.

Kaya’t sinabi ni Assistant Secretary Mico Clavano, na ito ang dahilan kung bakit sila ngayon ay nakikipag-ugnayan sa bansang Japan.

Aniya’y humiling ang kagawaran sa gobyerno ng naturang bansa upang sila’y matulungan partikilar sa pagsasagawa ng DNA testing sa natagpuang mga labi.

Sa pangunguna ng Department of Justice, inihayag naman ni Secretary Jesus Crispin Remulla na kanyang pinamamadali na ang pagresolba sa pagkawala ng mga sabungero.

Giit niya’y ilang taon na nila itong tinutukan habang kanyang pagmamalaki na malapit ng maihain ang complaint laban sa mga sangkot sa natirang isyu.

Dahil dito, naniniwala si Secretary Jesus Crispin Remulla na lalabas ang ilan pang mga ‘witnesses’ sa oras na maihain na ang complaint sa kanilang nagpapatuloy na case buildup.