CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinalat na ng Police Regional Office 10 ang full deployment ng puwersa upang tiyakin makuha ang pangkalahatan na katiwasayan at katahimikan sa palapit na May 12 elections sa Northern Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni PRO 10 spokesperson Major Joann Navarro na nasa higit 12,000 na kapolisan ang nakakalat sa limang probinsya para makamtan ang kautusan ni PNP Chief General Rommel Marbil na makuha ang ‘zero violence’ sa mismong araw ng halalan ng bansa.
Sinabi ni Navarro na maliban sa higit siyam na libong pulis na nagsilbing security detail sa kasagsagan ng halalan, nailatag na rin ang ibang tatlong libo na iba pa para magsilbing special election board members.
Magugunitang nasa isang daang porsyento ng handa ang buong hanay ng PRO 10 kasama ang tropa ng 4ID at 1st ID,Philippine Army na nasa loob ng Northern Mindanao para sa national maging local election sa darating na Lunes.
Napag-alaman na sa buong rehiyon,tanging ang bayan lang ng Nunungan,Lanao del Norte ang mayroong intense political rivalry kung saan sa kasamaang palad, na-ambush-patay ang municipal election officer noong Nobyembre 2024.