Sinagot na ng mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle sa naging batikos ni US President Donald Trump na dapat sila na ang magbayad ng kanilang security kapag tuluyan na silang lumipat sa US.

Ayon sa mag-asawa na wala silang anumang balak na ipabayad pa sa US government ang kanilang mga kukuning security.

Mayroon na silang privately funded security na itatalaga para sa dalawa.

Balak kasi ng dalawa na lumipat na sa California para mamuhay ng normal.

Magugunitang inihayag ni Trump na dapat hindi ipapasagot ng dalawa sa US government ang mga security na kanilang kukunin.