Nakaamba nanamang tumaas ang presyo ng diesel, gas at kerosene sa susunod na linggo sa gitna ng nagpapatuloy na epekto ng limitadong suplay ng mga produktong petrolyo.
Tinatayang tumaas ang presyo ng krudo sa pagitan ng P2.40 at P2.70 kada litro habang ang presyo naman ng kerosine ay inaasahang may umento mula P1.60 hanggang P2 kada litro simula sa araw ng Martes.
Kapag maimplemnta ang bagong oil pric ehike, tataas ang presyo ng diesel ng halos P13 .
Mayroon namang inaasahang umento na P0.30 hanggang P0.60 kada litro sa presyo ng gasolina.
Ang patuloy na nararanasang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil pa rin sa nagpapatuloy na conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine at sa partial ban ng UN sa pag-aangkat ng fuel products mula sa Russia at pagluluwag ng restriction sa China.