-- Advertisements --

Naglabas ang Police Regional Office-3 ng opisyal na listahan ng otorisadong firecracker at fireworks display zone sa Central Luzon.

Ito ay bilang parte ng pinaigting pang hakbang para maiwasan ang pinsala dulot ng mga paputok sa kasagsagan ng holiday season.

Natukoy ang kabuuang 196 na awtorisadong community firecracker zones sa rehiyon kung saan 13 dito ay sa Aurora, 5 sa Bataan, 73 sa Bulacan, 28 sa Nueva Ecija, 24 sa Pampanga, 14 sa Tarlac at 39 sa Zambales.

Habang sa fireworks display zones naman ay itinalaga sa mga nabanggit na probinsiya kabilang na sa may Angeles City sa Pampanga.

Samantala, mariing ibinabala naman ni Central Luzon Police chief Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. ang paggamit, pagbebenta at pamamahagi ng iligal na mga paputok, at iginiit na mahigpit na ipapatupad ang mga umiiral na batas at regulasyon para matiyak ang kaligtasan ng publiko at walang maitalang injuries sa kabuuan ng selebrasyon ng Bagong Taon.