Nagpaabot ng mensahe ng katatagan, at pag-asa si Cebu Governor Pamela Baricuatro sa mga Cebuano ngayong Pasko sa kabila ng mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng lalawigan ngayong taon.
Kinilala ni Gov. Baricuatro ang mga paghihirap na dinanas ng maraming mamamayan, kabilang ang pagod at sakripisyosakripisyong kinaharap sa gitna ng iba’t ibang krisis.
Gayunman, iginiit niya na nananatiling may liwanag at pag-asa hangga’t may pagtitiwala at sama-samang pagsisikap.
Binigyang-diin din ng gobernadora ang ipinakitang bayanihan at malasakit na ipinamalas ng mga Cebuano at ng sambayanang Pilipino, na aniya’y patunay ng matibay na diwa ng pagkakaisa sa panahon ng krisis.
Hinimok naman nito ang lahat na pairalin ang kapayapaan, pag-unawa, at kabutihan, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.
Ipinunto pa nito na hindi kailangang maging perpekto o marangya ang pagdiriwang ng Pasko.
Mas mahalaga pa rin umano ang taos-pusong pagmamahal, buhay na pag-asa, at matibay na ugnayan sa pamilya at kapwa, pati na rin ang kabutihang naibabahagi kahit sa mga hindi lubos na kakilala.
















