Nakapagtala ng 51 pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras matapos ang halos isang buwang pananahimik nito noong Disyembre sa kabuuan.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinundan ang mga pagyanig ng 13 volcanic tremors, kung saan bawat isa ay nagtagal ng nasa pagitan ng isa at tatlong minuto.
Ang panibagong aktibidad na na-monitor sa bulkan ay kasunod ng kalmadong lagay sa nakalipas na buwan.
Mula Disyembre 1 hanggang 31, nakapagtala ng kabuuang 101 volcanic earthquakes at 26 na tremors sa bulkan.
Pinakamataas na naitala ay noong Disyembre 1 na nasa 18 volcanic quakes.
Wala namang na-detect na seismic events sa bulkan sa halos kabuuan ng Disyembre.
Sa ngayon, nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang alerto sa bulkang Taal.















