Hindi nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagbaba ng kaniyang approval ratings.
Sinabi ni Palace press officer Claire Castro na kung ang dahilan ng pagbaba ng ratings ng Pangulo ay dahil sa pagsulong nitong imbestigasyon sa anomalya ng flood control projects ay hindi na ito nabahala dahil sa ginagawa lamang nito ang nararapat.
Dagdag pa ni Castro na hindi na hinintay pa ng Pangulo kung sino ang magsisimula ng imbestigasyon at kahit na maraming mga pulitiko at malaking tao ang maaapektuhan.
Maguguntang nagtala ng 48 percent na disapproval rating si Marcos sa survey na ginanap noong Disyembre ito ay mas mataas ng bahagya na naitala noong Setyembre.
Habang ang approval ng kaniyang performance ay tumaas ng isang porsyento na naging 34 percent habang 18 percent sa mga respondents ay nananatiling undecided.
















