Inabangan ng libu-libong crowd sa United Kingdom ang iconic na pagtunog ng kampana o tinatawag na “Great Bell” sa sikat na Big Ben tower sa pagsalubong ng bagong taon.
Ang pagtunog kasi nito ang hudyat ng pagsisimula ng 2026 sa United Kingdom.
Sa pagtigil ng pagtunog ng kampana, nag-kick off naman ang isang playlist tampok ang malalaking kaganapan sa UK noong 2025 at mga bigating kanta sa nakalipas na taon.
Nasa 12,000 fireworks ang pinailawan sa capital city ng UK na London para ipagdiwang ang New Year.
Sa Edinburgh, libu-libo ding celebrators ang nagtipun-tipon sa Princes Street party habang pinapanood ang makukulay na fireowrks display sa Edinburgh Castle sa unang pagkakataon matapos makansela ito noong nakalipas na taon dahil sa masamang lagay ng panahon.
Kabilang pa sa mga bansa Europa na nagdiwang na ng bagong taon ang Greenland at Brazil kung saan ang city ng Rio de Janeiro ay ginawaran ng largest New Year’s Eve celebration sa buong mundo ng Guiness World Records kasunod ng festivities doon kasabay ng pagsalubong ng bagong taon.
















