-- Advertisements --

Nagbigay ng mensahe ang Catholic Bishops’ Conference of the Phiippines (CBCP) ngayong Bagong Taon.

Sa kaniyang New Year’s message, ipinaalala ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa mga mananampalatayang Katoliko na magtiwala sa mga biyaya ng Diyos sa gitna ng mga kinakaharap na pagsubok sa buhay.

Ito ay sa gitna ng maraming hamong kinakaharap kasabay ng bagong taon.

Subalit, tiniyak ng CBCP leader sa publiko na napakaraming biyayang nakalaan para sa atin sa kabila ng maraming hamon.

Sa gitna ng selebrasyon ng Bagong Taon, sinabi ni Archbishop Garcera, kasabay nito ang pag-obserba ng Simbahang Katolika sa solemnity of Mary, ang ina ng Diyos.

Pinasalamatan din ng CBCP President ang publiko sa patuloy na pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal.