-- Advertisements --

Nasunog ang ilang mga tindahan ng paputok sa magkahiwalay na insidente kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Pilipinas.

Base sa ibinahaging video na kuha ng isang netizen, isang tindahan ng paputok sa may Sumulong Memorial Circle sa Barangay Dela Paz sa Antipolo City ang nasung.

Paglalarawan niya nagmistulang fireworks display ang pagsalubong ng Bagong Taon matapos masunog ang mga paputok at fireworks na ibinibenta sa naturang tindahan.

Sa hiwalay na insidente, nasunog ang isang bilihan ng paputok sa may Market Bulanao sa may Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga.

Makikita sa video na ibinahagi rin ng isang netizen ang malaking sunog na sumiklab kasabay ng pagputok ng mga fireworks dahilan ng pagpulasan ng mga ito sa lugar.

Base sa isang naglalako doon, may naligaw na pinaputok na kwitis na tumama sa isang stall hanggang sa nadamay ang iba pang mga ibinibentang paputok.

Sa ngayon, inaalam pa kung may nasaktan sa dalawang insidente ng sunog sa mga tindahan ng paputok.

Base sa datos mula sa Bureau of Fire Protections (BFP), nakapagtala ito ng 40 insidente ng sunog dulot ng mga paputok kada araw sa kabuuan ng Disyembre ng nakalipas na taon.