-- Advertisements --

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na kanilang papaigtingin ang pagbabantay sa kalsada para matiyak ang matiwasay na pagbiyahe na magdiriwang ng bagong taon.

Ayon kay LTO chief at assistant Secretary Markus Lacanilao na kaniyang inatasan ang LTO – Law Enforcement Service, Regional Law Enforcement at K9 units na patuloy ang mahigpit na monitoring at inspections ng mga public utility vehicles para matiyak ang ligtas na pagbiyahe.

Ang nasabing kautusan ni Lacanilao ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ligtas! Pasko 2025” na inisyatibo ng Department of Transportation.

Hinikayat ng opisyal ang publiko na sumunod sa ipinapatupad na batas trapiko para hindi magkaroon ng aberya ang kanilang pagbiyahe.