KALIBO Aklan — Maliban sa pag-dagsa ng turista, binisita rin sa pangalawang pagkakataon ng Star Navigator cruise ship ang Isla ng Boracay kahapon, Disyembre 24 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Nieven Maquirang, executive assistant to the governor at incharge to the cruise ship and special project, lulan ng nasabing cruise ship ang mahigit 1500 mga turista kung saan 90% dito ay mga Taiwanese.
Una itong bumisita sa isla noong Disyembre 17 ng kasalukuyang taon. Ang ruta nito ay mula sa Kaohsiung-Ilocos Norte-Coron-Boracay at magmula sa Boracay ay babalik na sa Kaohsiung.
Dagdag pa niya, ang mga ganitong aktibidad ay layon na mapalakas ang komunikasyon sa ibang bansa katulad ng Taiwan. Oportunidad aniya ito para mag-dala pa ng mas maraming turista sa isla na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng probinsya.
Aniya pa, plano rin nila nga magkaroon ng berthing facility upang magkaroon nga tuloy-tuloy na pag-dating nga mga turista hindi lamang sa pamamagitan ng eroplano kundi pati na rin sa mga da-daong na barko.
Magiging malaki rin umano ang benepisyo nito sa ekonomiya ng probinsya lalo na sa bayan ng Malay dahil dadami rin ang livelihood o pagkakaroon nga mas maraming oportunidad ng trabaho.
Maliban pa dito, inaasahan din na bibisita sa unang pagkakataon ang Norwegian Sun na may lulan na halos 1800 nga turista. At maliban pa rito, aasahan rin ang marami pang cruise ship na bibisita sa isla sa susunod na taon.
















