Asahan na naman umano ang pagtaas sa presyo ng ilang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa ilang mga impormante mula sa oil industry, may umentong P0.40 hanggang P0.50 sa kada litro ng diesel.

Sisirit din ng P0.30 hanggang P0.40 ang presyo sa kada litro ng kerosene.

Habang wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng oil products tuwing araw ng Martes.