-- Advertisements --

Agad tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng 7.0 magnitude na lindol sa Northern Luzon.

Ayon kay Pangulong Marcos, agad nang tumulak si Social Welfare Sec. Erwin Tulfo sa mga napinsalang lugar upang alamin ang lawak ng pinsala at ipagkaloob ang agarang ayuda.

Sinabi pa ng presidente na dadalaw din siya sa nasabing mga lalawigan, ngunit hindi pa ngayong araw para mabigyang daan ang trabaho ng first responders at local officials.

“I am staying away from going to the affected areas for a very simple reason: It has been my experience as a governor, it has been my experience in Yolanda that when the nat’l officers come to the affected areas, ginugulo lang namin ang trabaho ng mga local. Pupunta ako dun, maghahanap pa ako ng mga pulis para mag-secure, kailangan akong i-meet ng mga local officials, marami silang ginagawa. So I said, ‘Let them do their work. Let us wait for them to tell us what the true situation is.’ Maybe I can schedule a trip tomorrow [or] as soon as possible,” wika ng pangulo.

Maliban dito, may iba pa umanong inihahanda ang gobyerno para sa pangmatagalang tulong sa mga lugar na lantad sa kalamidad.