Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., natapos ng DPWH ang 1.7-kilometrong road concreting project sa Sto. Tomas, Davao del Norte.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Regional Director Juby Cordon ang bagong kalsada mula Barangay San Jose patungong Barangay Magwawa ay magpapabilis sa biyahe ng mga magsasaka.
Makatutulong rin ito para mapagaan ang access sa serbisyo-publiko, at magpapalakas sa turismo sa lalawigan.
Nabatid na ang naturang proyekto ay bahagi ng SIPAG Program, na may pondong ₱121 milyon.
Ang unang bahagi nito ay natapos noong Disyembre 2022 na mayroong kabuuang haba na 1.02 kilometro.
Nakumpleto na rin ang dalawang access road patungong mga tourism site sa Barangay San Jose na nagkakahalagang ₱19.15 milyon, at malapit nang matapos ang kalsada mula Barangay Kinamayan patungong Barangay Lunga-og na inaasahang makukumpleto bago ang 2025.