-- Advertisements --
Nahalal muli ang President Andrzej Duda ng Poland.
Ito ay matapos na talunin nito ang katunggali na si Rafal Trzaskowski sa maliit lamang na puntos sa naganap na halalan.
Ayon sa National Electoral Commission nakuha ni Duda ang 51.2% na kabuuang boto at mayroong turnout na 68.2%.
Itinuturing na ito na ang pinakamanipis na kalamangan sa presidential election mula ng matapos ang komunismo noong 1989.
Ang kasalukuyang pangulo ng Poland ay social conservative allied ng gobyerno na pinangungunahan ng nationalist law and Justice (PiS) party habang si Trzaskowski ay socially liberal mayor ng Warsaw.