-- Advertisements --
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga Pilipino na gunitain ang mga aral na humubog sa bansa nitong nagdaang 2025.
Sa kaniyang mensahe sa Bagong Taon 2026 ay marapat na tignan ng mamamayan ang nakamit na tagumpay ganun din ang mga hamon sa buhay.
Dagdag pa nito na sa pagsisimula ng panibagong taon ay isang mahalaga na gawin ang pagtingin sa nakaraan at pagbabago.
Bukod sa pagkakaroon ng personal resolutions ay panawagan ng Bagong Taon ang pagsuri kung paano nakatawid sa bagong taon.
Una ng sinabi ng Pangulo na nagkaroon ng maraming hamon ang bansa noong 2025 kung saan patuloy ang paglaban ng kaniyang gobyerno sa kurapsyon.
















