Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na agad na rumesponde at tiyakin ang kaligtasan ng mga residente na naapektuhan ng malakas na paglindol sa Davao Occidental nitong Biyernes ng hapon.
Sinabi n Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, na kahit na nasa ibang bansa ang Pangulo dahil sa pagdalo nito sa APEC summit ay nakatutok ang pangulo sa kaganapan sa bansa.
Pagtitiyak ng pangulo na aktibo ang gobyerno sa pagresponde sa mga dapat na kailangan ng mga apektadong residente.
Pinapatignan niya sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga nasirang gusali habang mararapat na makipag-koordinasyon na rin ang Office of the Civil Defense sa nasabing rehiyon sa anumang tulong na maaring iparating ng national government.
Magugunitang tumama ang magnitude 6.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao nitong hapon ng Biyernes.