-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin ang pagtaas ng premium rate at income ceiling ngayong taon.

Ayon sa Office of the Press Secretary, na ito ang laman na memorandum na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakasaad sa memorandum na hindi pa napapanahon ang taas singil ng PhilHealth sa mga premium rate dahil sa maraming mga Filipino ang hindi pa nakakabangon mula sa COVID-19 pandemic.

Magugunitang nakatakdang mataas ng singil sa premium rate ang Philhealth na mula sa 4% ay magiging 4.5% at income ceiling mula 80,000 ay magiging 90,000.

Ang nasabing scheduled increase ay bahagi ng Universal Healthcare Law na nagmamandato sa Philhealth contributions rate hanggang 5 percent ng 2024.