-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ng American rapper na si Tory Lanez matapos na siya ay pagsasaksakin sa loob ng kulungan.
Ayon sa kampo nito, nagtamo ang rapper ng 14 na beses kabilang ang pitong beses sa likod, apat sa kaniyang torso, dalawa sa likod ng ulo at isa sa kaliwang bahagi ng mukha.
Nagtamo rin ang rapper ng pagka-collapse ng kaniyang baga kaya ito ay nilagyan ng breathing apparatus.
Dakong ala-7 ng umaga ng ito ay pinagsasaksak ng kapwa inmates ng California Correctional Institution in Tehachapi.
Si Lanez o Daystar Peterson ay nakakulong dahil sa pamamaril sa paa ni Megan Thee Stallion noong 2020.