Pabalik na ng Maynila na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos bumuto kaninang alas-7:00 ng umaga sa kaniyang presinto sa Don Mariano Marcos Elementary School sa Batac, Ilocos Norte.
Ayon sa Malakanyang dito na sa Maynila imomonitor ni Pangulong Marcos ang proseso at resulta ng halalan.
Una ng hinimok ng Pangulo ang publiko na makiisa sa halalan at gamitin ang karapatan sa pagboto.
Umapela din ito sa mga kandidato pro administartion man o katunggali na makiisa para maging maayos, mapayapa ang halalan sa buong bansa.
Umuwi ng Ilocos Norte si PBBM para bumuto ngayong araw.
Sa malakanyang manatili ang pangulo para sa gagawing monitoring.
Hinikaytat din ng Pangulo ang mga nasa halos 70 million registered voters na iboto ang mga kandidato na may kakayahan at malasakit.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), may kabuuang 18,280 na puwesto na sumasaklaw sa 14 na iba’t ibang posisyon mula senador hanggang municipal councilors ang nakahanda sa mahalagang pambansang kaganapang ito.
Ngayong araw idiniklara ni Pang. Marcos bilang special holiday alinsunod sa inilabas na Proclamation No.878 upang bigyang-daan ang mamamayang Pilipino na magamit nang maayos ang kanilang karapatan sa pagboto.