-- Advertisements --

Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na laging maging maingat sa paggamit ng mga online lending app.

Kasunod ito sa ulat na tumaas ang bilang ng mga Filipino na umuutang gamit ang mga iba’t-ibang lending app.

Ayon kay BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat, na ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na gumagamit ng online lending app ay nangangahulugan nito ang paglipat sa digitalization.

Tiniyak din nito na mayroon silang mahigpit na pagbabantay sa mga online lending app lalo na sa mga nananakot sa mga humihiram na hindi nakapagbayad sa tamang oras.

Sa kasalukuyan ay mayroong 47 digital lending application ang aktibo sa bansa.