-- Advertisements --

Inilunsad ng National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) ngayong Huwebes, Mayo 8 ang isang app na Operation QR Count 2025 na nagpapahintulot sa mga botante na maberipika ang resulta ng halalan mula sa kanilang polling precincts sa Lunes, Mayo 12.

Ayon kay Namfrel National Chairperson Lito Averia, sa pamamagitan ng naturang app, maaari ng ma-scan ng mga botanteng may smartphones na konektado sa internet ang QR code para sa election results sa oras na maipaskil na ito sa labas ng polling precinct dakong alas-7:00 ng gabi sa araw ng halalan.

Isasagawa ang pagpapaskil ng resulta ng halalan bago mai-transmit ang mga boto sa pamamagitan ng automated counting machines.

Oplus_131072

Sa website naman ng Namfrel, makikita ng publiko kung anong transmitted election results ang may kapareho na precinct results na ipinadala ng publiko sa pamamagitan ng pag-scan sa ER QR code.

Nagpaalala naman ang election watchdogs na ang pagboto sa araw ng halalan ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.